Posibleng humarap sa kaso ang mga politikong sasama o magiging bahagi ng pamamahagi ng anumang financial assistance ng pamahalaan.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government, kung magmamatigas pa rin ang mga halal na opisyal, maaari nang iakyat sa Office of the Ombudsman ang kanilang kaso.






















