pinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat muling dumaan sa mga lokal na pamahalaan ang pag-apruba o acceptance ng mga proyektong natapos sa kanilang lugar bago ito bayaran ng Department of Budget and Management.
Giit ng pangulo, layon nitong matiyak na maayos ang mga ipinatutupad na proyekto at hindi binabayaran ang mga hindi pa tinatanggap ng lokal na pamahalaan.