Hinikayat ng DOH ang mga magulang na huwag nang magsama ng kanilang mga anak kung pupunta sila sa sementeryo para sa Undas.
Sa isang news forum sa Quezon City nitong Sabado, sinabi ni DOH Spokesperson Albert Domingo na maaari pang magkaroon ng influenza-like illnesses ang mga bata dahil siksikan ang mga sementeryo.

























