Itutuloy bukas, Jan. 14, ang pagdinig ng Sandiganbayan sa petisyon ng mga akusado sa flood control scandal sa Oriental Mindoro na humihiling na makapagpiyansa.
Inaasahang mga abogado mula sa Independent Commission for Infrastructure ang tetestigo.
Sa pagdinig kanina, napagsabihan naman ang prosecution dahil may mga ebidensiyang inilatag na hindi namarkahan sa pre-trial.






















