Nagdadulot ng matinding pangamba at diplomatikong tensyon ang panibagong serye ng pagbabanta ni US President Donald Trump laban kay Colombian President Gustavo Petro dahil sa umano’y lumalakas na produksyon ng droga sa Colombia.
Libo-libong Colombiano ang nagprotesta sa Bogotá upang kondenahin ang sinasabing panghihimasok ng Washington sa kanilang bansa.






















