Mas mahigpit na mga kondisyon ang ipinataw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglalabas ng pondo sa ilalim ng P6.793-T pambansang budget ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management.
Saklaw nito ang mga bagong programa at mga budgetary adjustment na ipinasok sa panahon ng congressional deliberations upang matiyak ang mas maingat at responsableng paggastos.






















