Mariing nagbabala si U.S. President Donald Trump na tuluyang pasasabugin ng Amerika ang South Pars gas field ng Iran kung hindi titigilan ng Tehran ang pag-atake sa Qatar.
Ito ang sinabi ni Trump matapos masangkot ang Qatar energy facility sa mga pinsalang dulot ng tensyon sa rehiyon.
Ang pasilidad ay ang pinakamalaking producer ng liquefied natural gas sa mundo.






















