Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Social Welfare and Development sa naulilang pamilya ng rider na nasawi noong Sabado habang nakapila para makakuha ng cash relief assistance.
Kahapon dumagsa muli ang mga rider sa ilang itinalagang payout centers, kung saan idinadaing pa rin ng ilan ang anila'y pahirapan na sistema sa pamamahagi ng ayuda.






















