Aabot sa 200 personalidad na may iba't ibang posisyon o katayuan sa lipunan ang sangkot umano sa maanomalyang flood control projects sa buong Pilipinas.Ayon kay Department of Justice o DOJ Sec. Crispin Remulla, kasama na rito ang mga kongresista na hindi bababa sa 60, kontraktor at maging mga opisyal o tauhan ng Department Of Public Works and Highways o DPWH.