Nilinaw ng Malacañang na hindi last-minute ang pag-isyu ng travel authority kay Vice President Sara Duterte.
Tiniyak din ng Palasyo na walang hahadlang sa anumang biyahe ng Bise Presidente sa ibang bansa dahil wala naman siyang hold departure order.






















