Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makakaapekto sa kredibilidad ng Independent Commission for Infrastructure o ICI ang livestreaming ng kanilang mga susunod na pagdinig.
Subalit para sa Pangulo, walang bentahe ang kanyang opinyon pagdating dito dahil iginagalang pa rin ng executive branch ang pagiging independent body ng ICI.






















