Inihain ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima ang House Bill No. 5701.
Layon nitong amyendahan ang Ombudsman Act of 1989 at Law on Secrecy of Bank Deposits.
Ito ay para bigyan ng kapangyarihan ang Office of the Ombudsman na i-access at suriin ang bank accounts at records sa kasagsagan ng isang imbestigasyon kahit wala pang kasong naihahain o kautusan ng korte.






















