Dalawang magkahiwalay na insidente ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue team sa Pampanga at Sorsogon.
Isang lady rider ang nasugatan matapos mabangga ang isang baka na bigla na lamang sumulpot sa kalsada.
Sa hiwalay na insidente, tinulungan din ng team ang isang ginang na tatlong buwang buntis na maihatid sa ospital matapos makaranas ng pagsama ng kanyang pakiramdam.

























