Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang respeto sa Konstitusyon, sa mga Pilipino, at sa Republika.
Sinabi n'ya ito nang kaniyang pangunahan ang panunumpa sa tungkulin ng newly-promoted generals at flag officers ng Armed Forces of the Philippines o AFP at bagong graduates ng foreign Pre-Commissioned Training Institutions sa Malacañang kahapon.






















