Direktang sumulat si Sec. Vince Dizon kay Senate Committee on Finance Chairperson Sherwin Gatchalian upang pormal na humingi ng paumanhin sa kulang na mga datos na isinumite para sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways.
Partikular ito sa detalye ng mga proyektong natuklasan ng Senado na overpriced o sobra ang presyo ng mga materyales.






















