Iimbitahan si resigned Congressman Zaldy Co sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Ito ang kinumpirma ni Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Komite.
Ayon naman kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, kung hindi dadalo ang dating kongresista ay maglalabas ang Senado ng arrest order para siya ay mapauwi.