Hindi maaaring basta na lang tanggalan ng benepisyo ang mga retiradong sundalo.
Ito ang binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines sa lumabas na balitang tatanggalan umano ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng pension ang mga retiradong heneral sa gitna ng umuugong na usapin ng destabilisasyon.






















