Nagsimula na ang Iran sa mine-clearing operations sa Strait of Hormuz, ayon sa Prime Minister ng Qatar.
Kasunod ito ng pagbiyahe nina Iran Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf at Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi sa Oman matapos dumalo sa high-level talks sa Switzerland.
Nakipagpulong ang mga opisyal ng Iran sa kanilang Omani counterparts upang talakayin ang magiging sistema sa Strait of Hormuz, batay sa nakasaad sa framework ng US-Iran agreement.






















