Mariing pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga claim ng China na bahagi umano ng provisional understanding ang pagbabawal sa pagkukumpuni sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Kasabay nito, muli ring tinuligsa ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang patuloy na panghihimasok at pananakot ng Beijing sa loob ng ating teritoryo.






















