Matapos ang debate at sponsorship sa panukalang pondo ng mga ahensya ng gobyerno sa plenaryo ng Kamara nitong nakaraang linggo, susunod nang susuriin kung alin sa mga hinihiling na amyenda ang isasama sa House version ng General Appropriations Bill (HGAB). Ayon sa isang miyembro ng Budget Amendments Review Sub-committee (BARSc), posibleng bukas isagawa ng kanilang grupo ang pagsusuri.





















