Suportado ng Office of the Ombudsman ang muling pagbubukas ng pagdinig ng komite ngayong Nobyembre at posibleng pagbabalik ni Senator Panfilo Lacson sa pwesto.Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, malaking tulong ang ibinibigay ng mga ebidensyang nakakalap mula sa mga nagdaang Senate Blue Ribbon Committee hearing na may kinalaman sa mga maanomalyang flood control projects.






















