Hindi papatulan ni First Lady Liza Marcos ang isyu na pilit siyang iniuugnay sa flood control projects anomaly.
Ito ang sagot ng Malacañang sa naging panawagan ng isang private citizen na si John Santander sa Independent Commission for Infrastructure o ICI na imbestigahan ang First Lady sa umano'y kaugnayan nito sa dating special envoy na si Maynard Ngu na nadadawit ngayon sa anomalya sa flood control projects.






















