Nagsasagawa na ng iba’t ibang hakbang sa pagtitipid ang ilang hotel sa Baguio City sa gitna ng epekto ng krisis sa petrolyo at mataas na gastos sa operasyon.
Sa Baguio Country Club, pansamantalang isinara ang ilang pasilidad dahil sa mababang bilang ng mga bisita.






















