Handa nang iharap ng House prosecution team ang mga ebidensya laban kay Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings sa July 6.
Ayon kay impeachment spokesperson at adviser Congressman Robert Ace Barbers, inaasahan nilang uunahin muna ng Senate impeachment court ang pagresolba sa mga nakahaing mosyon bago simulan ang pagtalakay sa mga ebidensya.






















