Mariing itinanggi ng kampo ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang tungkol sa umano'y “very powerful people” na nagbibigay ng proteksyon sa senador.
Inilabas ni Atty. Israelito Torreon, ang legal counsel ni Senator dela Rosa, ang statement kasunod ng naging pahayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla, kung saan sinabi nito na batid nila ang kinaroroonan ni Senator Bato at patuloy ang kanilang pakikipagnegosasyon sa umano'y makapangyarihang indibidwal na nagbibigay ng proteksyon sa mambabatas.






















