Nagpadala na ng show cause order ang lokal na pamahalaan ng Pampanga sa may-ari at contractor ng gumuhong siyam na palapag na gusali sa Angeles City, Pampanga.
Ito ay upang pagpaliwanagin sila sa tunay na dahilan ng pagguho ng building.
Ngunit ang problema, ayon sa LGU, nasa ibang bansa ang may-ari ng naturang pasilidad.






















