Nakiusap umano kay US President Donald Trump ang mga lider ng ilang bansa sa Gitnang Silangan na huwag munang magsagawa ng pag-atake laban sa Iran kasunod ng inilabas nitong “final warning.”
Samantala, iginiit ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na hindi layunin ng Iran ang pagkakaroon ng armas nukleyar kundi ang pagpapatuloy ng kanilang peaceful nuclear program.






















