Nanawagan sa Kamara at Senado ang grupo ng civil society organizations na Bantay Budget Network na isapubliko ang lahat ng budget documents bago pa ang isasagawang bicameral conference kaugnay ng proposed 2026 budget.Kabilang na dito ang lahat ng sinasabing allocables, line-by-line amendments, at kung sino ang proponents o nasa likod ng mga pagbabagong ito.






















