Sa pagdalaw kanina ni Department Of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian, sinabi nitong pinagpaplanuhan na nila kasama ng ilang national government agencies ang recovery and rehabilitation sa mga lugar sa Northern part ng Cebu na apektado ng 6.9 magnitude earthquake.
Gayunman, sinabi ng kalihim at ayon na rin umano sa Pangulo na matatagalan pa ang mga apektadong lugar para maka-fully recover.