Sinuspinde ng Department of Education National Capital Region o DepEd-NCR ang lahat ng face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila simula ngayong araw, October 13, hanggang bukas, October 14, 2025.
Layunin ng suspensyon na masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at guro dahil sa pagtaas ng kaso ng influenza-like illnesses at sa sunod-sunod na lindol sa bansa.