Pinabulaanan nina Sen. Chiz Escudero, Sen. Jinggoy Estrada at former Sen. Bong Revilla ang mga paratang ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y katiwalian sa flood control projects.
Iginiit ng mga senador na walang basehan at walang ebidensyang sumusuporta sa mga akusasyong ibinabato laban sa kanila.






















