Handa na ang Philippine National Police sa ipatutupad na seguridad para sa paparating na mahabang bakasyon. Sa katunayan, itataas sa heightened alert status ang buong puwersa ng pambansang pulisya sa huling linggo ng Marso na magtatagal hanggang katapusan ng buwan ng Mayo.






















