Nakipagpulong ang Prosecutor General sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang paghandaan ang nakatakdang pagtitipon ng isang religious group sa susunod na linggo.
Ayon kay PG Richard Anthony Fadullon, handa ang prosecutors sa araw ng rally para tumanggap ng posibleng reklamo o magsagawa ng inquest proceedings kung magkaroon ng kaguluhan.






















