Nanindigan ang Department of Justice o DOJ na kahit hindi partikular na sinasabi sa batas ang restitution o pagsauli ng mga umano'y iligal na nakuhang pera mula sa pamahalaan, dapat pa ring magsauli ang mga ito ng pera sa gobyerno.
Samantala, naniniwala naman ang DOJ na isang mitigating circumstance o mababawasan ang posibleng sentensya ni Sarah Discaya dahil sa boluntaryo nitong pagsuko sa National Bureau of Investigation o NBI.






















