Nagsumite ng bagong rekomendasyon sa Office of the Ombudsman ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), na naglalaman ng listahan ng mga bagong personalidad na umano’y sangkot sa mga iregularidad sa mga proyekto kontra-baha.
Kasabay nito, kinumpirma ng Ombudsman na iniimbestigahan na rin ang ilang mataas na opisyal ng pamahalaan dahil sa posibleng kapabayaan sa tungkulin.






















