Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) en banc sa Miyerkules, November 26, ang kanilang desisyon kung dapat bang kasuhan o hindi si Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero kaugnay ng pagtanggap niya ng donasyon mula sa public contractor na si Lawrence Lubiano noong 2022 elections.
Samantala, napadalhan na ng show cause order ng Comelec si Sen. Rodante Marcoleta kaugnay ng isyu ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).






















