Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng national government sa mga local government unit sa bansa, kasabay ng paglagda ng mga city government sa kasunduan upang mapabilis ang pagtatayo ng mga silid-aralan.
Iniulat ng Pangulo na aabot sa halos P58-B ang inilaan sa ilalim ng Local Government Support Fund.
Ang naturang pondo ay gagamitin para sa mga pangunahing pangangailangan ng mga munisipalidad at barangay.






















