Tuwing holiday season, kilalang puntahan ng mga mamimili ang Divisoria dahil sa dami at murang mga bilihin.
Ngunit ngayong taon, idinaraing ng mga tindero ang mas mababang kita dahil sa tumitinding kompetisyon, lalo na mula sa online selling platforms.






















