Nasa P600 billion umano ang nawala sa gobyerno sa nakalipas na 15 taon dahil sa inordinate delay o labis na pagkaantala ng mga kaso ayon kay Ombudsman Crispin Remulla.
Ang nasabing halaga ay mga pera na hindi nahabol ng gobyerno dahil sa mga natalong kaso at delaying tactics ng mga abogado.






















