Tinawag ng ilang mambabatas na pang-iinsulto sa publiko ang alegasyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng umano’y paglabag sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Samantala, iginiit ng isang miyembro ng House Committee on Justice na walang paglabag sa proseso ng impeachment proceedings ng Kamara kaugnay ng mga reklamong inihain laban sa Bise Presidente.






















