Patuloy ang ginagawang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba pang security agencies para maprotektahan ang mga residente sa Pag-asa Island.
Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., regular na mino-monitor ng PNP ang sitwasyon sa lugar at nananatiling handang tumugon sa anumang isyung maaaring makaapekto sa mga sibilyan.






















