Nasira ang mga tulay at kalsada at na-isolate ang lungsod ng Canlaon sa Negros Oriental matapos ang pananalasa ng Bagyong Tino.
Naputol rin ang suplay ng kuryente at komunikasyon, habang patuloy ang pagsasagawa ng rescue at clearing operations ng mga otoridad matapos ang matinding hagupit ng bagyo.























