Ngayong papalapit ang pagpapalit ng taon, muling nagpaalala ang ilang public health at environmental experts sa masamang epekto ng mga paputok.
Kaya naman, iminungkahi ng ilang environmental health specialist na gawing year-long campaign ang ‘Iwas Paputok’ upang mas epektibong maipalaganap ang impormasyon sa pangangalaga sa kalusugan at kalikasan.























