Babantayan ng Department of Health (DOH) ang mga kaso ng non-communicable diseases, road crash injuries, at fireworks-related injuries ngayong holiday season.
Ito ang ini-anunsyo ni Health Secretary Teodoro Herbosa kahapon sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa ligtas na holiday break ngayong 2025.























