Ilang isyu at impormasyon kaugnay ng flood control scandal ang nais alamin at linawin ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagpapatuloy ng kanilang pagdinig sa susunod na linggo.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Panfilo Lacson, mas marami pang impormasyon ang gusto nilang malaman kaugnay ng tinaguriang Cabral files.






















