Nanindigan si Vice President Sara Duterte na patuloy niyang lalabanan ang kasakiman at katiwalian sa pamahalaan.
Sa inilabas na 2025 year-end report ng OVP, ipinakita ng pangalawang pangulo ang serye ng mga programa at serbisyong naihatid ng kanyang tanggapan, sa kabila ng kakulangan sa pondo nitong taon.






















