Nagsumite kahapon ang Bureau of Customs ng ilang dokumento sa Independent Commission for Infrastructure o ICI bilang bahagi ng imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa mga flood control projects ng pamahalaan.
Kasabay nito, naglabas na rin ng show cause order ang ahensya laban sa mga opisyal ng customs na umano’y may kinalaman sa pagpasok ng mga luxury vehicles ng mag-asawang Discaya.