Muling umigting ang diwa ng bayanihan sa gitna ng krisis, kasabay ng pagbabalik ng community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makatulong sa mga apektado, lalo na sa mga tsuper.
Gayunman, iginiit ng isang civil society group na kailangan ng agarang aksyon mula sa pamahalaan upang matugunan ang mga suliranin.






















