Lumabas na ang resulta ng pagsusuri ng forensic group sa baril na ginamit sa pagpaslang kay Police Staff Sergeant Renato Casauay Jr.
Ayon kay Philippine National Police - Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuaño, hindi lisensyado ang narekober na baril na siyang ginamit sa pamamaslang.






















