Ibinahagi ng Malacañang ang CCTV footage na hawak ng Philippine National Police kaugnay sa pag-alis nina Sen. Robin Padilla at Sen.Ronald dela Rosa sa Senado noong madaling araw ng May 14.
Naglabas din ng pahayag ang Palasyo matapos hindi pagbigyan ng Korte Suprema ang hiling ni Sen. Bato na temporary restraining order o TRO laban sa arrest warrant na may kaugnayan sa International Criminal Court.






















